si•bíl 1: may kaugnayan sa isang mamamayan o mga mamamayan 2: pambayan o pangmamamayan 3: tumutukoy sa batas sibil o pribadong karapatan
gu•wár•di•yá 1: bantáy1 2: pangkat ng mga tao o kawal na tungkuling bantayan ang isang pook upang huwag magulo, mapasok, masunog, at iba pa
ser•bís•yo si•bíl 1: sangay ng lingkurang pam-pamahalaan na humihirang ng mga tauhan sa pamamagitan ng mahigpit na pagsusulit 2: lawas ng mga kawani ng pamahalaan, maliban sa militar
ang•hél de la gu•wár•di•yá 1: anghel na pinaniniwalaang tagapagtanggol ng isang tao, lalo upang makaiwas sa panganib o pagkakamali 2: tao na nangangalaga sa kapakanan ng ibang tao